STORYA NG BUHAY PILIPINO: TALPAKAN NA !!! (Sabong Arena)
Genre
Sabong Arena
Keywords
Online Sabong Legal
Article ID
00000353
TALPAKAN NA!!!!
Sabungero, kristo, sentensyador, mananari, mangagamot, vendor at iba pang maliliiit na nag hahanap buhay sa loob ng sabungan ay nawalan ng hanap buhay, nawalan ng ayuda at nawalan ng pag asa.
Pero sa kabilang dako, biglang lumutang itong online sabong na kinabibilangan ng mga sikat na magmamanok (breeder) upang muling buhayin ang kultura na minana pa natin sa ating mga ninuno, upang tulungang bumangon ang mga kababayan nating nasa laylayan na hindi gaanong nabigyang pansin ng ating pamhalaan at upang tulungang umangat ang ating ekonomiya.
Pero ano nga ba ang totoong epekto nito sa bawat isa satin? Sabi nga ng mga matatanda, ang sabong ay mahiwaga. Ibig sabihin ay maraming pwedeng mangyari na hindi mo inaasahan kaya’t sa manok mo’y “huwag kang pabaya sa laban”. Sabi nila nananalo ang manok base sa swerte, sabi ng iba base sa galing ng manok, sabi ng iba base sa patuka at bitamina. Lahat ay posibleng tama pero isa lang ang sigurado, pag hindi pumalo ang manok mo ay siguradong talo ito.
Ganun din sa tao, kung hindi ka gagawa ng paraan para umasenso ka mananatili kang nasa ibaba o lugmok sa kahirapan. Kaya ang buhay ay parang sabong lang yan, kung di ka lalaban, wala kang tsansang manalo o umasenso..kaya TALPAKAN NAAAA!!! Para updated lagi sa online sabong, bisitahin lagi ang site na to para sa mga nag champion sa bawata malaking laban at iba pang balita.