Hot Topic About Online Sabong International

Online Sabong News Today: Get Updated with the Latest Sabong Scoops
Online Sabong News Today: Get Updated with the Latest Sabong Scoops
  1. Online Sabong Biggest Win: Self-Made Champion
  2. Sabong Local: Are you the next lucky player?
  3. Hail to the king sport, Live sabong
  4. Is Sabong Legal? A Definitive Answer to the Most Tagged Question of All

Sabong Tips To Win

Tips sa Online Sabong: Alamin para Manalo
Tips sa Online Sabong: Alamin para Manalo
  1. Tip sa Sabong: Abot Kamay na ang Panalo
  2. Here Are Some Cool Sabong Tricks
  3. Sabong Techniques: Simplify the Game
  4. Online Sabong Tricks: Trick your Way to Victory

Online Sabong Live Today 2021

NEW YEAR, SAME IMPACT: Online Sabong Live 2021
NEW YEAR, SAME IMPACT: Online Sabong Live 2021
  1. Sabong Online Live 2021: The Winning Site
  2. Lets Have Some Live Sabong Online 2021
  3. The difference between Traditional and SL618 Sabong Live Now 2021
  4. Online Sabong Today 2021: Pwede na ba itong laruin?

Latest Sabong News

Choose the Best: Online Sabong Sites List
Choose the Best: Online Sabong Sites List
  1. A Double-Edged Sword: International Sabong Online
  2. Choose the Best: Online Sabong Sites List
  3. Nation’s Favorite Game: Online Sabong Website Philippines
  4. Some useful Online Sabong Sites


PATAWAN NG BUWIS ANG ONLINE SABONG (Sabong Arena)

Online Sabong
Genre Online Sabong
Keywords Online Sabong
Article ID 00000716
Similar Articles Online Sabong 2021
DAHIL sa krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), naging patok sa buong mundo ang iba’t ibang uri ng raket o pagkakakitaan online. Kilala ang sabong bilang isa sa mga paboritong libangan ng mga Filipino na kung hindi ako nagkakamali ay higit isang siglo na ang tanda nito mula nang pumasok sa bansa. Ito ay isang uri ng madugong paglalaban o “madugong palaro” sa pagitan ng dalawang tandang na pansabong na karaniwang ginagawa sa loob ng isang bilog na pook pangtunggalian o sabungan na tinagurian ding simburyo. Kapag sosyal ka naman at may pambayad ka sa entrance ng mga malalaking sabungan, doon ka pupunta sa mga arena at iba pang pook ng mga mayayamang nagsasabong. Hindi maitatanggi na talagang natatangi ang pagpapalaki, pangangalaga, at pagsasanay na ginagawa para sa mga manok na pansabong upang magkaroon ito ng sapat o higit pang resistensiya at lakas sa oras ng sagupaan. Ginugupit pa nga ang mga palong ng mga lalaking manok bilang bahagi ng paghahanda sa salpukan. Sinasabing mayroong likas na galit ang mga tandang sa kanilang kapwa tandang na tulad ng mga atleta o mga manlalaro sa alakasan, kinu-kondisyon din bago maganap ang aktuwal at madugong labanan. Bukod dito, karaniwan ding idinaraos sa cockpit arenas ang legal na sabong habang tupada naman kapag nasa mga komunidad lamang ito o illegal na idinaraos. Gayunman, dahil sa pandemya, naglahong parang bula ang sabong na kinagigiliwan ng mga Pinoy. Pero nag-evolve na ito at ngayo’y ginagawa na rin online. Niyapos na rin ng bisyong ito ang cyberspace at ipinanganak ang electronic sabong o e-cockfighting. Natuklasan na ginagawa na ito ngayon sa private farms gamit ang laptops at cameras kung saan isine-set up para sa live streaming ng bakbakan ng dalawang tandang. Tinitiyak din ng mga operator na tuloy-tuloy at maganda ang kalidad ng streaming upang maiwasan ang delayed telecast dahil dito nakikilatis ng mga bettor kung aling pansabong ang dapat nilang tayaan. Batay sa pahayag ng ilang source, may tinatawag na mirror fee na parang Netflix upang magkaroon ka ng karapatan o tuloy-tuloy na stream ng video na tinatayang nagkakahalaga mula P12,500 hanggang P15,000. Kung papasok ka naman sa website, may username at password na hihingin o kung wala ka pang account ay gagawa ka nito. Sa pamamayagpag ng online sabong, nahihirapan daw ngayon ang Philippine National Police (PNP) na sugpuin ito dahil ang ipinalabas na Presidential Decree No. 449 o Cockfighting Law of 1974 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay limitado lamang sa cockfighting ang saklaw nito at hindi kasama ang online platform. “By reason of the aforestated meaning and connotation of cockfighting in relation to Filipino customs and traditions, it should neither be exploited as an object of commercialism or business enterprise, nor made a tool of uncontrolled gambling, but more as a vehicle for the preservation and perpetuation of native Filipino heritage and thereby enhance our national identity. No gambling of any kind shall be permitted on the premises of the cockpit or place of cockfighting during cockfights,” ayon sa naturang batas. Kaya napapanahon ang isinusulong na House Bill 8065 sa Kongreso na naglalayong patawan ng buwis ang offsite betting ng locally-licensed games, kabilang ang electronic betting ng sabong. Sa botong 215 pabor, 1 tutol at walang abstention, nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa ang nabanggit na panukalang batas. Sakaling papalarin at tuluyang maipasa, mapapalakas daw nito ang kita ng gobyerno para sa COVID-19 response at recovery measures. Well, maganda ang bill na ito. Mantakin n’yo, sa tantiya ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Sarte Salceda ay tatabo ng P1.25 bilyon na buwis ang pamahalaan dito sa unang taon ng implementasyon o halos 100 porsiyento kumpara sa P13.7 milyon na kinikita natin sa taxes mula sa mga cockpit o arena noong wala pang pandemya. Bilyon-bilyon daw ang kinikita ng mga operator sa offsite betting activities, kabilang ang sabong, kahit noong wala pang krisis pero hindi raw epektibo ang paghahabol dito ng mga lokal na pamahalaan. Nawa’y suportahan po natin ang Kamara sa hakbang na ito para sa tuloy-tuloy na pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandemya. Source: pilipinomirror.com

write a review (Sabong Arena)