'May hinahabol tayo na pera': Sara Duterte pabor sa e-sabong sa Davao City (Sabong Arena)
Genre
Sabong Arena
Keywords
Online Sabong News
Article ID
00000732
DAVAO CITY — Sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Lunes na pabor siya sa rekomendasyon ng city councilors na payagan ang operasyon ng online o electronic sabong (e-sabong) sa lungsod.
Sa isang radio interview, sinabi ni Duterte-Carpio na matutulungan nito ang kanilang ekonomiya, lalo't maraming negosyante ang umaaray dahil sa hagupit ng pandemya.
"May hinahabol tayo na pera na kailangan nating hanapin from other sources kasi hindi na natin maaasahan ang mga regular sources natin dati, yung local taxes natin, especially nahihirapan ang mga businesses ngayon," ani Duterte-Carpio.
Isa ang sabong sa mga uri ng sugal na hindi pinapayagan dahil sa pandemya lalo't kadalasan itong maituturing na mass gathering.
Noong Marso 2020 ay isa ang sabong sa nakitang dahilan kung paano kumalat ang COVID-19 sa ilang bahagi ng Mindanao.
Pero giit ni Duterte-Carpio, posibleng may mahanap silang paraan para ligtas na mag-operate ang mga sabungan.
"Baka may makita tayong possibility of revenue dito sa electronic sabong. Ma-cater pa rin ang need nila na magsabong, pero safely in the confines of their cellphone or laptop," sabi ng alkalde.
Sabi naman ni Councilor Danny Dayanghirang noong nakaraang linggo, inoorganisa na nila ang mga public hearing ukol sa panukala.